Taumbayan, inapi raw ni Erap

Taumbayan ang inapi at hindi ang pinatalsik na si dating Pangulong Joseph Estrada ang tunay na biktima na gaya ng gustong palabasin ng oposisyong Puwersa ng Masa sa kanilang pangangampanya.

Ito ang sinabi kahapon ni People Power Coalition senatorial candidate Liway way Vinzons-Chato bilang reaksyon sa sinasabi ng oposisyon na makukuha ng PnM ang simpatya ng taumbayan kaya makukuha nito ang 13-0 vote sa senatorial elections sa Mayo.

Sinabi ni Chato na ang panghihikayat ni Estrada sa bawat mamamayang Pili pino ay isang paraan para lang pagtakpan ang mga anomalya sa tatlong taong administrasyon nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments