Sinabi kahapon ni PAOCTF Chief Director Hermogenes Ebdane na hindi na matagpuan ng kanyang mga tauhan sina Sr. Supt. Teofilo Vinia na dating hepe ng task force sa Visayas at tauhan nitong si SPO3 Marino Soberano.
Hindi rin umano nagpaalam ang dalawa bago nawala.
Naganap ang pagkawala nina Vinia at Soberano ilang araw matapos silang kilalanin ng NBI bilang ilan sa posibleng may kinalaman sa pag- kawala nina Dacer at Corbito mula noong Nobyembre 24, 2000.
Kinumpirma ni Ebdane na isa sa dahilan kaya sila nahihirapang matagpuan ang dalawa ay ang pagsusumite nila ng early retirement pero hindi binanggit ng opisyal kung kailan ito isinumite ng dalawa.
Muli namang ipinangako ng pamunuan ng PAOCTF na gagawin nila ang lahat ng paraan para matagpuan ang sino mang opisyal o miyembro nila na suspek umano sa pagdukot kay Dacer.
Samantala, sinabi kahapon ni NBI-National Capital Region Director Samuel Ong na takda nilang kasuhan ng kidnaping sina Vinia, Soberano at SPO2 Edmund de Leon ng PAOCTF-Luzon makaraang isnabin nila ang subpoe-na kaugnay ng pagkakadawit nila sa pagkawala nina Dacer at Corbito. (Ulat ni Joy Cantos at Ellen Fernando)