Ito ang idiniin ni Senate President Aquilino Pimentel na nagsabi sa isang panayam na hindi kaya ni Estrada na hindi makita ang may karamdaman nitong ina.
Sinabi pa ni Pimentel na siya pa ang unang nag-alok kay Estrada na lumabas ng Pilipinas nang makausap niya ito noong Enero 19 sa Malacañang habang unti-unting bumabagsak ang administrasyon nito. Idinagdag ni Pimentel na hindi siya kumbinsidong makikialam ang ibang bansa sa Southeast Asia dahil ini- ingatan din nila ang kanilang relasyon sa pamahalaang Pilipino.
Sa isa ring hiwalay na panayam, sinabi ni Acting Defense Secretary Eduar- do Ermita na umaasa rin siyang tutupad si Estrada sa pangako nito na hindi ito lalabas ng Pilipinas at tatakas sa mga kinakaharap nitong kaso.
Sinabi rin ni Ermita na may ginagawa nang hakbang ang mga operatiba ng pamahalaan para mapigilan, kung totoo man, ang planong pagpuslit ni Estrada palabas ng bansa.
Sinabi naman ni Estrada sa isang hiwalay ding panayam na ilang beses na niyang sinasabing hindi siya aalis ng Pilipinas kaya hindi dapat magaksaya ng oras ang pamahalaan sa pagmamanman sa kanya.
Naunang napaulat na humingi si Estrada ng political asylum sa Thailand pero tinanggihan siya .
Humingi rin siya ng asylum sa Malaysia at United States bagamat pinabulaa- nan ito ng dalawang bansa. (Ulat nina Doris Franche at Joy Cantos)