Imunungkahi niya ang paglahok ng mas marami pang babae sa pamahalaan.
Ayon naman kay Isabela Rep. Heherson Alvarez, mahigit 300 Pilipina ang nagtutungo at nagtatrabaho sa ibang bansa araw-araw.
Pero sinabi niya na dumami ang bilang ng mga Pilipina na nasadlak sa prostitusyon sa ibayong-dagat.
Ipinaiimbestiga na rin ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ang pagdami ng mga pekeng kasal na pinapasok ng maraming overseas Filipino worker para manatili nang matagal sa ibayong-dagat. (Ulat nina Malou Rongalerios at Jhay Mejias)