Tension sa NAIA

Nagkaroon kahapon ng matinding tensyon sa runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport nang bumara ang isang eroplano ng Asian Spirit kasunod ng pagsabog ng tatlong gulong nito.

Naantala nang mahigit isang oras ang maraming international flight.

Sumabog umano ang tatlong gulong habang nagsasagawa ng landing process ang Asian Spirit na may registry no. CN235 bandang ala-1:49 ng hapon. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments