Binabanggit sa ulat na pinamagatang "Fear, Shame and Impunity: Rape and Sexual Abuse of Women in Custody" ang 30 insidente ng panggagahasa at ibang "pambababoy" sa mga babaeng detenido na ginagawa umano ng ilang pulis, jailguard at military custodial officers mula 1995 hanggang 2000 pero maliit na bahagi pa lang ito ng kabuuang mga kaso ng pang-aabuso sa mga babaeng preso.
Pinuna ni Honasan na, kahit meron nang mga babaeng pulis at jail officer at womens desk sa mga presinto ng pulisya, marami pa ring babaeng detenido ang nabibiktima ng torture at pang-aabuso.
Ipinahihiwatig sa report na maraming mga babaeng detenido lalo na yaong mga prostitute, drug addict at palaboy sa lansangan ang ginagahasa, sinasampal, binubuntal at tinatadyakan. (Ulat ni Perseus Echeminada)