Ping Lacson, VIP sa airport

Binigyan umano ng VIP treatment ni Danny Almeda, chief supervisor ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport, ang kandidatong senador na si dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson dahil sa arrival area ito dumaan patungo sa departure area para sumakay sa eroplano na naghatid dito papuntang United States via Hong Kong kahapon ng umaga.

Gumamit umano si Lacson ng BI-Official Business access pass para makapasok sa arrival area na laan lang sa mga arriving passenger.

Sinabi naman ni Almeda sa isang panayam na wala siyang masamang motibo dahil nagpatulong lang si Lacson para malaman kung nasa hold-departure order ito. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments