Passes kinansela

Kinansela kahapon ni Ninoy Aquino International Airport General Manager Edgardo Manda ang lahat ng airport access passes na naunang ibinigay sa mga taong malapit kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Manda na isinagawa niya ang hakbang para sa seguridad at hindi magamit sa iligal na aktibidad ang naturang mga identification card.

Kabilang sa mga pinawalang-halaga ang mga ID na ipinalabas sa ilalim ng Office of the President at ng Official Business noong panahon ng pinatalsik na Pangulo. Nabigyan din umano ng naturang mga passes ang mga miyembro ng pamilya ni Estrada. (Rey Arquiza)

Show comments