Sinabi ni Belmonte na hinihintay lang ng koalisyon ang resulta ng survey na kinomisyon para matukoy ang tsansa ng mga kandidato bago isapinal ang Senate slate.
"Pero tiyak nang nasa tiket sina Joker at Manny Villar. Pupunuan ni Manny ang isang slot sa Lakas kahit nananatili siyang indipendiyente," sabi ni Belmonte. (Ulat ni Jess Diaz)