Sto. Tomas, hinirang na DOLE Secretay

Hinirang kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang puno ng kanyang search committee na si Patricia Sto. Tomas bilang kalihim ng Department of Labor and Employment.

Itinalaga rin si Rene Banez bilang bagong komisyuner ng Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ni Presidential Spokesman Renato Corona na malapit na kaibigan ng Pangulo si Sto. Tomas bukod sa matagal itong nagserbisyo sa DOLE. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments