Bong Pineda dumating

Nakabalik na umano sa Pilipinas makaraang magpagamot sa Amerika ang umano’y gambling lord na si Bong Pineda.

Ito ang nakarating na ulat mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na madalas na iugnay kay Pineda na kanyang kababayan sa Pampanga.

"Dinig ko lang," sabi ng Pangulo nang tanungin kung nakabalik na si Pineda sa bansa.

Nilinaw ng Pangulo na ipinauubaya niya kay Interior and Local Government Secretary Joey Lina ang kaukulang aksyon laban kay Pineda na isinasangkot sa operasyon ng jueteng sa bansa.

Hininalang nagtago sa Amerika si Pineda sa kasagsagan noon ng paglilitis ng Senado sa kasong impeachment laban kay dating Pangulong Joseph Estrada na naakusahang tumanggap ng jueteng payola. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments