Roxas balik sa DTI

Isang dating kalihim ng Department of Trade and Industry noong panahon ng administrasyong Estrada na si Manuel Roxas ang ibinalik ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa naturang posisyon.

Itinalaga rin ni Arroyo si Quezon City Congressman Michael Defensor bilang bagong housing chief. Pinanatili rin niya sa puwesto si Science and Technology Secretary Filemon Uriarte.

Kasabay nito, itinalaga ng Pangulo si dating Batangas Congressman Eduardo Ermita bilang acting secretary ng Department of National Defense kapalit ng nagbitiw na si Secretary Orlando Mercado. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments