Sinabi ni Pimentel sa isang panayam na makakabuting hayaang makaalis ng bansa si Estrada at pamilya nito para mabawasan ang problema ng bansa lalo na ng administrasyong Arroyo.
Sinabi niya na, hangga’t narito sa bansa si Estrada, patuloy na mahahati ang bansa dahil sa away ng mga grupong anti at pro-Erap.
Sumuporta sa mungkahi ni Pimentel ang mga senador na sina Juan Flavier, Renato Cayetano at Teofisto Guingona.
Pero sinabi ni Senate minority leader Francisco Tatad na hindi puwedeng diktahan si Estrada sa gusto nitong gawin at isa itong Pilipino na may karapatan din sa ilalim ng Konstitusyon. (Ulat ni Doris Franche)