Erap Muslim foundation peke

Humarap sa impeachment tribunal si Atty.Oswaldo Santos, isang probono lawyer at Certified Public Accountant (CPA) na siyang nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa Erap Muslim Youth Foundation na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Sinabi ni Santos na nagtungo siya sa ika-15 palapag ng Strata 100 Building sa Emerald Avenue, Pasig City noong Setyembre 22,2000 para makumpirma kung doon nag-oopisina ang Erap Foundation batay na rin sa mga nakalagay na incorporators na kinabibilangan nina Raul de Guzman, George Go, Prof. Mila Reforma, Prof.Danilo Reyes at Atty.Edward Serapio.

Si Go na tinutukoy ni Santos ay siya ring Go na nagbitiw bilang pangulo ng Equitable-PCI Bank.

Ayon kay Santos nakausap niya ang isang sekyu mula sa Tamaraw Security Agency na nagngangalang MS Torada at pinatunayan nito na walang nag-oopisina doon na foundation.

Maging ang receptionist ng gusali na nagngangalang Ms. Arevallo na nagsabi na ang buong palapag ay sinasakupan ng de Borja, Medialdea law office. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments