Pinuntaran ng pula ng naturang grupo ang monumento ni dating Senador Benigno Aquino ng mga salitang "MBC at anti-Erap, salot sa bayan.
Idiniin naman ni Guillermo Luz ng MBC sa isang panayam na ang dapat sisihin ng naturang grupo ang sinusuportahan nilang Pangulo dahil ito ang ugat ng destabilisasyon.
Pinagbabato naman ng mga anti-Erap group ang gusali ng Equitable Bank. Bilang ganti, pinagbabato ng mga empleyado mula sa mga gusali sa naturang lugar ng mga barya ang mga pro-Erap. (Ulat ni Lordeth Bonilla)