"Baka later on, makikita natin na baka mas malaki pa ang pagbaba. Pero iyan ang
pag-uusapan namin dahil gusto naming malaman kung ano ang plano nila," sabi ni Tiaoqui sa isang panayam. Habang isinusulat ito kahapon, takdang magpulong ang mga opisyal ng Department of Energy para talakayin ang naturang usapin.
Ginawa ni Tiaoqui ang pahayag kasunod ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Bumagsak sa $19 mula sa $31 bawat bariles ang pandaigdigang presyo ng krudo mula sa Dubai na siyang pinagbabasihan ng presyo ng langis sa Pilipinas.
Umaasa rin si Tiaoqui na maganda rin ang kalalabasan sa pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng mga kumpanya ng langis na itatakda sa pulong ngayon ng mga opisyal ng DOE. (Ulat ni Lilia Tolentino)