Pulis pinababantayan

Nanawagan kahapon ang Philippine National Police sa publiko na mahigpit na bantayan ang mga pulis na magbebenta o gagamit ng ipinagbabawal na mga paputok o magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sinabi ni PNP spokesman Sr. Supt. Nicanor Bartolome na hindi mangingimi ang pulisya na tanggalin sa puwesto ang mga pulis na mamumuno pa sa paglikha ng kaguluhan. Sinabi ni Bartolome na mahigpit ang utos ni PNP Chief Director General Panfilo Lacson na nagbabawal sa mga pulis na magpaputok ng baril sa pagdiriwang sa pagdating ng Bagong Taon. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments