Tiniyak ng Pangulo sa isang panayam kahapon na sesertipikahan niya ang panukalang-batas na magpapawalambisa sa Death Penalty Law na unang ipinatupad mula noong 1994.
Naniniwala si Estrada na ang mga nahatulan ng parusang kamatayan ay dapat bigyan ng pagkakataong magbagong-buhay.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng desisyon niya noong Linggo na gawing habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa 105 preso na nasentensyahang mabitay sa pamamagitan ng lethal injection. Saklaw nito ang mga death convict na ang sentensya ay kinatigan na ng Supreme Court. (Ulat ni Ely Saludar)