Ito ang obserbasyon ni dating House Speaker Manuel Villar sa testimonya kamakalawa sa impeachment court ng sekretarya ni Ilocos Sur Governor Luis Singson na si Emma Lim na nagdala umano ng P5 milyong koleksyon sa jueteng kay Pangulong Joseph Estrada sa Malacañang.
"Hindi nasira ng depensa ang kanyang testimonya. Mahirap talagang sirain ang isang tao kapag nagsasabi ng totoo," sabi pa ni Villar na nagpasimuno sa pagsasampa sa Senado ng kasong impeachment laban sa Pangulo bago siya tinanggal sa puwesto.
Pero tiniyak naman ng Pangulo na hindi nakakapasok sa Malacañang si Lim. Hindi din daw ito nakikita ng sekretarya niyang si Malou.
Sinabi pa ng Pangulo na sinungaling si Lim nang sabihin nitong nasa kaliwa iyong sala set sa presidential residence dahil nasa kanan ito. (Ulat ni Ely Saludar)