Life sa death convicts nilinaw ang Palasyo

Nilinaw kahapon ni Press Secretary Ricardo Puno na ibinaba lang ni Pangulong Joseph Estrada sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa 105 death convicts at hindi ito nangangahulugang inabsuwelto na ang naturang mga preso na naakusahang gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Ginawa ni Puno ang paglilinaw dahil sa puna ni Crusade Against Violence Chairman Carina Agarao na dapat inunawa ng Pangulo ang damdamin ng mga biktima ng mga bilanggong binabaan ng sentensya.

Ang naturang mga sentensyado lamang ang saklaw ng utos ng Pangulo dahil ang kanilang kaso lamang ang pinagtibay ng Supreme Court. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments