Sinasabi sa survey na 46 porsiyento ng mga respondent sa Metro Manila ang sumang-ayon na balanse ang media sa kanilang pagrereport. Bumubuo naman sa 32 porsiyento ng 300 moving respondent yaong naniniwalang may kinikilingan ang media.
Gayunman, 22 porsiyento ng mga respondent ang hindi makapagdesisyon kung patas o may kinikilingan ang mga radio, telebisyon at pahayagan sa pag-uulat sa kauna-unahang impeachment trial sa isang pangulo ng Pilipinas. (Ulat ni Doris franche)