Purisima case wala pang linaw

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin mapagpasyahan ng Supreme Court kung ano ang parusang maipapataw kay dating Associate Justice Fidel Purisima na naging kontrobersyal dahil sa pagkabigo nitong ibunyag na isa niyang pamangkin ang kasama sa kumuha ng pagsusulit sa 1999 Bar Examination na kanyang pinanguluhan. Nagpalabas lang kahapon ang Mataas na Hukuman ng isang resolusyon na nag-aatas sa Special Study Group on Bar Examination Reform na pag-aralan muli ang hiling ng Bantay Katarungan na imbestigahan ang naganap na pagsusulit. Ipinaliwanag pa ng Mataas na Hukuman na hindi na nito mapapatawan ng parusang administratibo si Purisima dahil nagretiro na ito noong Oktubre 28, 2000 kaya hindi na ito kunektado sa Korte. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments