Sinabi ni Cayetano sa isang pulong-balitaan na dapat kinontra na ng mga makaadministrasyong kongresista ang ginawa ni dating House Speaker Manuel Villar sa pagpasa sa articles of impeachment matapos ang pambungad na panalangin nito noong Nobyembre 13.
Pinuna ni Cayetano na napalitan lamang ang liderato ng House nang araw na iyon pero hindi kinuwestyon ang articles of impeachment bukod sa binigyan ni bagong Speaker Arnulfo Fuentabella ng pondo ang 11-kataong prosecution panel na isang patunay na aprubado ng mababang kapulungan ang hakbanging pagpapatalsik kay Estrada. (Ulat ni Doris Franche)