Presyo ng gulay tumaas
Ang pinsalang nilikha ng bagyong Reming sa maraming pananim sa maraming lalawigan sa Luzon noong Oktubre ang naging dahilan kaya tumaas nang P2 hanggang P5 ang presyo ng mga gulay sa Metro Manila at iba pang lugar ngayong buwang ito. Sinabi ni Director Romeo Recide ng Bureau of Agriculture Statistics ng Department of Agriculture na tumataas ang presyo ng mga gulay dahil wala na halos mapagkunan ng mga produktong ito. Sa ngayon anya, nagmumula sa Mindanao o Visayas ang mga gulay na itinitinda sa Metro Manila kaya lalong tumaas ang presyo nito dahil sa taas ng pasahe. (Ulat ni Angie dela Cruz)