"Sa kalawakan, maraming maliliit na bato o debris ang nakakalat kapag sumasapit ang Nobyembre.
Dumadaan ito sa Daigdig dahil sa gravity nito at kapag nagsalpukan ang maliliit na mga batong ito sa atmosphere, magbubunga ito ng liwanag sa kalangitan na tinatawag na Leonid Meteor Shower," ayon kay PAGASA astronomer Jose Mendoza.
Nagmula anya ang maliliit na bato sa buntot ng isang meteor na nilusaw ng araw sa kalawakan. (Ulat ni Angie dela Cruz)