Tiniyak ni Zamora na tuloy ang pagpunta ng Pangulo sa pulong ng APEC para makasama ang mga pinuno ng ASEAN at mga lider ng mga bansa sa Pasipiko.
Ayon kay Zamora, dati-rati nakakasama si Macapagal Arroyo sa caretaker committee dahil itinatalaga siya ng Pangulong Estrada na umupo sa Office of the President-Executive Committee caretaker.
Pagkaraang tumiwalag na siya sa gabinete at nanindigan na siya bilang oposisyon at humihingi ng pagbibitiw sa puwesto ng Pangulo, nagbigay indikasyon si Zamora na hindi na ito makakaasang kasama pa sa caretaker group.
"Hindi naman siya member. She only sat with us," ani Zamora.
Ang Pangulong Estrada lamang ang siyang Presidenteng nagtatalaga ng kanyang Bise-Presidente na umupo sa caretaker committee kung nasa ibayong dagat ang Pangulo.
Ito ay nabigyang daan nang bumuo ng pakikipagkasundo ang oposisyong LAKAS-NUCD ng pakikipagtulungan sa administrasyong Estrada sa pag-uumpisa pa lamang ng panunungkulan noong 1998. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)