Sinabi ni Arellano na nag-released ang SSS ng P140.7 million para sa pitong projects sa ilalim ng hospital financing program at P107.2 million naman para sa walong projects sa ilalim ng educational financing program.
Sinabi pa ni Arellano na ang mga loan releases ay bahagi ng pagsisikap ng SSS para makatulong sa paglago ng ekonomiya sa bansa. "It is part of our mandate as the government’s partner in its pursuit of economic development," ayon pa kay Arellano.
Ang SSS business and social development loan program ay inilunsad noong 1988 na nagbigay ng pautang para sa mga entrepreneurs. Noong nakaraang taon, nag-released ang SSS ng may kabuuang P1.048 billion loans sa mga schools, hospitals, tourism-related projects and small and medium-scale projects. (Ulat ni Andi Garcia)