Pagsasara ng on-line casino pinigil

Ipinalabas kahapon ni Manila Regional Trial Court Judge Rustico Panganiban ang temporary restraining order na pumipigil sa Philippine Amusement and Gaming Corporation sa pagsasara ng on-line casino.

Ayon kay Oliver Go, business development manager ng Sports and Games Entertainment na kakontrata ng PAGCOR sa internet casino, inihahanda ng kanilang mga finance officer ang mga datos na magpapakita kung magkano ang malulugi sa kanila kapag sapilitan silang ipinasara.

Hiningi ng naturang kumpanya ang TRO kasunod ng utos ni Pangulong Joseph Estrada na ipasara ang mga outlet ng jai-alai, bingo at casino na hinahawakan ng PAGCOR. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments