Anak ni Chavit lumitaw na

Sinabi kahapon ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa panayam ng radio station dzXL na lumitaw na ang naunang iniulat niyang nawawalang anak na si Richard, 35.

"Okey na. May tumawag na. Pinapuntahan ko kagabi at okey naman ito," sabi ni Singson. Ipinaliwanag niya na ngayon lang nawala nang matagal ang kanyang anak.

Hindi niya binanggit kung saan ito pumunta bagaman inamin niya na nagugumon ito sa bawal na gamot at ipinailalim na sa rehabilitasyon.

"Pambihirang ngayon lang siya nawala nang matagal. Well, kako, babalik din naman siya at hindi naman siguro gagawa ng masama yan dahil may mga anak naman sila," dagdag ng gobernador. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments