PNP handa sa kudeta

Naghanda na ang pamunuan ng Philippine National Police sakaling isagawa ang bantang kudeta. Isang defense drill ang isinagawa kahapon ng PNP at isinarado ang mga gates ng Camp Crame para sa mga pedestrians at motorista na umabot sa dalawang oras sanhi upang magkabuhol-buhol ang trapiko sa may Santolan Road sa Quezon City.

Ang nasabing defense drill na kauna-unahang ginawa mula nang maupo si PNP Chief Dir. Gen. Panfilo Lacson ay isang dry run mula sa defense plan ng pambansang pulisya bilang paghahanda sa pag-atake ng kalaban na magsasagawa ng coup d’ etat. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments