Batay sa ulat ng World Bank, tumaas ang second quarter growth ng ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa inaasahan.
Ayon sa World Bank, ang gross domestic product sa second quarter ay umabot sa 4.5 percent na mataas sa 3.5 percent na forecast samantalang 4.6 ang gross national product ang itinaas kumpara sa 4 percent sa first quarter.
Umaasa ang Malacañang na uusad ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga problema tulad sa piso laban sa dolyar. (Ulat ni Ely Saludar)