PDIC at BSP sinisi ang UBI sa bank holiday

Isinisi ng mga opisyal ng Urban Bank Inc. (UBI) sa Philippine Deposit Insurance Corporation at Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagsasagawa nila ng bank holiday noong Abril 26, 2000 dahil sa umano’y paglilipat ng P2.8 bilyong utang ng Urban Corp Investment patungo sa UBI. Sinabi ng UBI sa isinumite nitong counter-affidavit sa Department of Justice na walang naganap na pagdispalko dahil napag-iingatan ang lahat ng pera bukod sa ang paglilipat ng utang ay batay sa Central Bank rules. (Ulat ni Grace R. Amargo)

Show comments