Israel at Saudi iwasan daw

Binalaan kahapon ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino na huwag munang magtungo sa Israel, Saudi Arabia at Yemen.

Idinahilan ng DFA ang isang linggo nang labanan ng mga Israeli at Palestinian na ikinamatay na ng 58 katao at ang virus na Rift Valley Fever na ikinasawi ng mahigit 83 tao sa Saudi Arabia at Yemen.

Pinayuhan din ang mga Pilipino sa Israel na huwag gumala sa mga kalsada sa naturang bansa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments