MMFF trophy, pwedeng isangla!

MMFF trophy
STAR/File

Worth P200K each pala ang trophy na mapapanalunan ng winners sa awards night ng 2024 Metro Manila Film Festival na gaganapin bukas, Dec. 27. Mahal ang trophy at mabigat, kaya siguraduhin ng mga tatanggap na ready silang hawakan ito.

Sa unveiling ng trophy, lahat napa­hanga sa ganda nito, kaya lang, para lang pala ito sa 50th anniversary ng MMFF. Next year, balik na raw sa kahoy ang trophy.

Kaya masuwerte ang winners this year, kakaiba at mamahalin ang iuuwi nilang trophy.

May nagbiro nga na puwede itong isangla na dahil expensive siguradong tatanggapin agad ng mga pawnshop.

Anyway, kabilang sa inaaba­ngang resulta ng winners ang sa best picture, best director, best actress at best actor.

Sino nga kaya ang mga mananalo at first time na tatlong aktres na pare-parehong Santos ang apelyido ang maglalaban. Sino nga kaya kina Judy Ann Santos, Aicelle Santos, at Vilma Santos ang mananalo?

Gary V, babawi sa fans?!

Ang ganda ng black and white photos na pinost ni Gary Valenciano sa kanyang Instagram, photos nila ng anak na si Paolo Valenciano na magkaakbay na naglalakad after Gary V’s concert.

Ang unang photo, nakatalikod silang naglalakad at may caption na “I love you @paolovalenciano. We did it!!”

Ang second photo, nakaharap na ang mag-ama, naglalakad pa rin at may caption na “No words to sat for this man who stood by me when all seemed hopeless. The director of PURE ENERGY... One More Time... my son @paolovalenciano. I love you so so so much son.”

Sa concert pa lang, nagpahayag na ng pagmamalaki si Gary kay Paolo at binanggit pa nga ang mga concert directed by him. Marami at big name performers ang dini-direct nito, may rason ngang maging proud sina Gary, Angeli Valenciano at mga kapatid nitong sina Gab at Kiana Valenciano.

May ingay sa katatapos na concert niya, tungkol sa mga nakabili ng tiket sa first night ng concert na na-cut short dahil sa medical emergency ni Gary. Sigurado namang gagawan ng paraan ng Manila Genesis at nina Gary at Angeli ang inirereklamo ng fans.

Tama ang comment ng ibang fans na hayaang maka-recover fully muna siya at hintayin ang gagawin ng producer ng concert.

Dennis, mag-iikot sa mga sinehan!

Darating daw si Dennis Trillo sa media screening ng Green Bones na naka-schedule today, kaya makakapagkuwento ang aktor sa experience niya in promoting the movie. Pumunta siya sa Cebu to meet the fans at nagbenta ng tiket.

Pumunta rin siya sa Market Market at tinulu­ngan siya ng mga tao roon to promote the said movie na entry sa 2024 MMFF.

Kahapon, nasa SM San Lazaro at Gateway Mall sila ni Ruru Madrid para sa first day showing ng pelikula.

Ngayong araw, ang press naman ang maka

kaharap niya para manood at pag-usapan

ang pelikula.

Matatanong din si Dennis hindi lang bilang aktor ng movie, kasama rin ang pagiging

co-producer nila ni Jennylyn Mercado ng

Green Bones. Co-producer ang Brightburn

Entertainment ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Dahil bukas na ang awards night ng 2024 MMFF, siguradong matatanong si Dennis ng chances niya na manalong best actor. Ganu’n pa rin kaya ang isasagot niya na “sapat na sakin na panoorin nila ito direk!. Bigay na natin sa iba ang tropeo” sa comment ni director Roman Perez, Jr., na “Bigay na kay Dencio ang Tropeo.”

Pero, ayaw ng netizens na basta panoorin lang nila ang movie ni director Zig Dulay, gusto nilang manalo rin si Dennis lalo na at puro magaganda ang mga naba basang reviews ng mga nakapanood na.

Saka, makakatulong sa box office standing ng movie kapag nanalo si Dennis na best actor.

Show comments