Finnegan kumana ng ginto sa US NCAA

MANILA, Philippines — Nagparamdam ng kahandaan si Filipino-Ame-rican Aleah Finnegan para sa Paris Olympics matapos makasungkit ng ginto sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Bahagi si Finnegan ng Louisiana State University (LSU) Tigers na nakasiguro rin ng kampeonato sa team event ng US NCAA.

Tinulungan ni Finnegan na magkampeon ang Tigers matapos angkinin ang gintong medalya sa women’s floor exercise.

“Tiger nation, you showed up and showed out this whole season. This one is for all of us. Thank you for the tremendous love, support, and prayers that we have received all year long,” ani Finnegan sa kanyang post sa social media.

Nakalikom si Finnegan ng 198.2250 puntos para masiguro ang unang puwesto at talunin ang mga karibal nito mula sa California, Utah at Florida.

Pinuri naman ni Olympic champion Sunisa Lee si Finnegan sa tagumpay nito.

Isa si Finnegan sa mi­yembro ng national gymnastics team na nag­kwalipika sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

Kasama ni Finnegan sina world champion Carlos Yulo at Levi Ruivivar sa tangkang makasungkit ng medalya sa Paris Games. 

Show comments