Nursing grad ng Cebu, nanguna sa licensure exam

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Beverly Anne Felicio Balagon ng Velez College ang mga bagong nurse na pumasa as Nurse Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sinabi ng PRC ngayong Lunes na tanging 16,219 lamang ang pumasa mula sa 37,887 na kumuha ng pagsusulit noong Hunyo 2-3, 2013 sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Dagupan, Davao, Iloilo, Laoag, Legazpi, Lucena, Nueva Ecija, Pagadian, Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Nagtala ng 87 percent si Balagon upang kunin ang top spot, habang pumangalawa naman sa kanya sina Jamila Jane Uy Borlagdan ng University of Santo Tomas at Mylene Grace Dacula Gonzaga ng West Visayas State University na may 86.80 percent.

Hinirang naman bilang top performing schools ang West Visayas State University-La Paz, Cebu Normal University, at University of the Philippines-Manila na pawang nakakuha ng 100 percent.

 

Show comments