MANILA, Philippines - Ibinasura ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Martes ang mungkahi ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes Jr. na ipagpaliban ang halalan para sa barangay sa Oktubre.
"’Yung postponement kinakabahan ako d’yan, baka maraming postponement na mangyari tulad ng dating karanasan natin. At ‘yung mandato ng tao kailangan ma-secure ‘yun periodically," pahayag ni Aquino.
"Unless I see very good reasons to postpone, I think I’ll stick with my stand previously na kakayanin nila o dapat kayanin nila to hold (the barangay elections) as scheduled,†dagdag ng Pangulo.
Naunang sinabi ni Brillantes na imumungkahi niya sa Kongreso na ipagpaliban ang barangay elections dahil inaasahan nilang uulanin sila ng mga kaso ng election protest sa mga susunod na araw.
“I’d rather prepare for 2016. Ako, I suggest October 2014 or January 2015. We expect protest cases to be filed anytime now," sabi ni Brillantes.
Aniya masyadong malapit ang barangay elections sa katatapos lamang na mid-term polls nitong Mayo 13.