Opisyal ng Citimotors tumalon sa condo, patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang opisyal ng isang car dealer company matapos tumalon mula sa kanyang conodminium unit sa lungsod ng Makati.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cesar Genato, vice president for finance ng Citimotors Philippines.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na tumalon mula sa ika-10 palapag ng Litrium Condominium sa Dela Costa Street, Salcedo Village ang biktima.

Bumagsak at lumusot ang biktima sa canopy sa pagitan ng second at third floor ng condominium building bago bumagsak sa kalsada.

Sinabi ng pamilya ng biktima sa mga imbestigador na may pinagdaraanang mabigat na problema si Genato.

Show comments