MANILA, Philippines – Isa na namang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema ngayong Miyerkules upang mapatigil ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) law ng isang non-profit organization.
Layon ng Alliance for the Family Foundation Philippines, Inc. (ALFI) na makakuha ng temporary restraining order (TRO) sa batas at sinabing nilalabag nito ang probisyon sa saligang batas sa pag protekta sa buhay at kalusugan.
Sa isang text message sa Philstar.com, sinabi ng pangulo ng ALFI na si Atty. Girlie Noche na ang petisyon ay may basehan: "that (the RH law) allows the use of abortifacient devices (such as intrauterine devices) and the purchase of abortifacient substances using taxpayers' money."
Ang “abortifacients†ay tumutukoy sa contraceptive na kagamitan, pamamaraan o gamot upang mapigil ang pagbubuntis o pagkabuo ng fetus.
Ang mga miyembro ng ALFI, na grupong naglalayon na mapreserba ang pagkasagrado ng buhay at pamilya, pati ang mga tagapangasiwa nito ang naghayin ng petisyon sa mataas na hukuman bandang 3:30 ng hapon ngayong Miyerkules.
Ang abogadong si James Imbong ang nagsampa ng unang petison noong Enero 2.
"(Republic Act) 10354 violates the right to religious freedom as it mandates health providers to provide reproductive (health) services even if (these are) against their religious convictions," sabi ni Noche.
Ang RH Law o RA 10354 na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Disyembre ay nakatakdang ipatupad sa Enero 17.