MANILA, Philippines – Umabot na sa 164 na katao ang ginamot ng iba’t ibang medical teams na nakatutok sa prusisyon ng Itim na Nazareno bago mag alas-2 ng hapon ngayong Miyerkules.
Ayon sa isang ulat sa radyo, anim lamang dito ang nagtamo ng minor injuries habang ang mga natira ay nakaramdam ng altapresyon.
Ilang deboto naman ang binigyan ng lunas matapos mahulog sa karo ng Nazareno, dagdag ng ulat.
Samantala, inaasahan ng mga organizers na makakapasok sa loob ng simabahan ng Quiapo ang imahe bandang alas-9 ng gabi.
Umalis ang Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila bandang 7:30 ng umaga matapos ang misa na pinamunuan ni Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle.