1 patay, walo sugatan sa Star tollway

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae at walong katao pa ang sugatan sa salpukan ng isang dyip at trak sa Star Tollway sa Ibaan, Batangas.

Kinilala ng mga pulis ang nasawing si Erlinda Corea na isa sa mga sakay ng dyip. Isinugod ang iba pang mga biktima sa Batangas Regional Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, inararo ng 14-wheeler trak na may plakang RJK 671 ang dyip nang unahan nito ang isa pang sasakayan sa tollway sa Baranggay Quilo, Ibaan.

Hindi pa pinapangalanan ang iba pang biktima, habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis.

Show comments