Ang Kapitbahay (118)

NAGTAPAT si Margie. Inamin ang ginagawang pakikipagkita kay Ram.

“Ayaw akong hiwalayan ni Ram. Mag-eeskandalo raw siya kapag humiwalay ako.”

Hindi nakapagsalita si Vince. Totoo kaya ang sinabi ni Margie o dahilan lang iyon para mayroong katwiran sa pakikipag-relasyon?

“Kung gusto mong makipaghiwalay, pupuwede. Maari ka namang umiwas.”

“Tinatakot niya ako na ipadadala kay Renan ang aming mga retrato habang nagtatalik.”

“Tinatakot ka lang nun.”

“Hindi! Gagawin niya ang banta!”

Hindi naka­pagsalita si Vince. Totoo kaya ang sinasabi ni Margie?

“E di haha­yaan mo na lang na magpa­tuloy ang inyong relasyon? Hindi ka gagawa ng paraan?”

Hindi sumagot si Margie.

Nanatiling nakatungo.

Nang sumagot, inamin­ ang kahinaan.

“Hindi ko kayang hiwalayan si Ram. Mas mahal ko siya kaysa kay Renan.”

Napabuntunghininga si Vince.

Wala nang magagawa pa. Hindi na makaaahon­ si Margie sa apoy ng ka­sa­lanan.

Kawawang Renan!

(Itutuloy)

(118)

Show comments