Alakdan (174)

“KAWAWA ka naman baka ikaw na lang sa mga kaklase mo ang walang laptop,” sabi ni Mama Mayette at nilapitan si Troy at niyakap.

“Oo nga. Ako lang ang walang computer,” sabi    ni Troy habang nagbabasa ng libro.

“Tapusin mo na yang binabasa mo at magbihis ka na. Pagkatapos nating bumili ng laptop, manood tayo ng sine tapos kumain tayo.’’

Tumango si Troy.

“Kapag may oras pa tayo, ibibili kita ng pants at shirt. Mga luma na ang isinusuot mo.’’

“Okey pa ang mga damit ko. Saka na lang ang damit at pantalon.’’

“Hindi! Kailangang ibili kita. Ayaw kong magmukha kang laputin, Troy.’’

“Sige. Pero kung kakapusin tayo sa oras e sa ibang araw na lang.’’

SA isang sikat na mall nagtungo sina Mayette at Troy. Deretso sa computer shop. Hinayaan ni Mayette si Troy na pumili ng laptop.

“Ikaw ang pumili dahil ikaw ang gagamit, Troy. Yung mahal na ang piliin mo. Walang problema sa pera.’’

Isang laptop na kilala ang brand ang pinili ni Troy. Tamang-tama sa kanya. Magagamit niya sa kanyang pag-aaral. Mas maganda at powerful kaysa sa mga laptop ng kanyang mga kaklase.

Ipinahanda ni Troy sa technician ang lap-    top na napili.

“Okey na yan, Troy?’’

“Oo. Mahusay ito.’’

“Sige.”

Nang mai­sa­ayos ang laptop ay agad na binayaran ni Ma-yette. Balewala ang mahal na laptop. Pawang malulutong na P1,000 bills ang ibinayad.

Nang palabas na sila sa computer shop ay tinanong pa ni Mayette si Troy kung ano pa ang bibilhin sa shop.

“Wala na, Mayette. Okey na ito.’’

“E di deretso na tayo sa sinehan?”

“Sige.’’

“O gusto mo kumain muna tayo. Mas masarap manood ng sine kapag busog.’’

“Sige. Ikaw ang bahala Mayette.’’

Kumain sila sa isang sikat na chicken restaurant sa mall. Sa may tabi ng salaming dingding sila pumu­westo. Nakikita ni Troy ang mga taong nagdadaan at namamasyal.

“Kain nang kain, Troy.’’

“Busog na ako, Ma-yette.”

“Kaunti pa nga ang nakakain mo, e busog ka na.’’

“Kasi’y masaya ako dahil sa laptop.’’

Maya-maya, nagpa­alam si Mayette na magsi-CR.

Nakatingin si Troy sa labas nang makita niya ang isang babaing nagla-lakad sa labas. Si Kreamy ba ‘yun? (Itutuloy)

Show comments