Ako ay makasalanan (113)

“GRABE na ang pagka-addict ko. Natuto nga akong magnakaw para lamang ma-sustain ang bisyo ko. Kapag hindi ako nakagamit ng droga, na­ nginginig na ang katawan ko. At kapag ganoong na­ngangatal ako, ang nasa isip ko ay kaila­ngang ma­kakita ng pera para ma­kabili. Kaya nga mayroong mga sugapa sa droga na nakukuhang pu­matay at magnakaw para lamang may maibili. Sob­ rang sama ng droga. Mai­ susumpa mo talaga…”

Seryosong-seryoso sa pagkukuwento si Stephen. Talagang nasasalamin ko ang katotohanan sa kan­ yang sinasabi. Alam ko rin ang tungkol sa epekto ng droga sa tao sapagkat na­ranasan ko ring mag-marijuana. At magandang ha­limbawa ang nangyari kay Cherry na nakasama ko sa boarding house. Nakaku­long dahil sa pagtutulak ng droga. Tama si Stephen na dahil sa masamang naidu­dulot ng droga ay talagang maisusumpa. Walang ka­sing­sama kapag ang droga ang nakahumalingan.

“Kaya ang ikinukuwento mo Tess na sabi mo’y min­san ka ring nalulong sa dro­ga, wala yun sa pinagda­anan ko. Talagang akala ko, hindi na ako makahihiwa- lay sa salot na droga…”

“Paano ka nga pala na­kakawala sa pagkasugapa.”

“Nadiskubre na nina Papa at Mama ang ginaga­wa ko. Sapilitan na akong ipina-rehab. Lumalaban pa ako nang kunin ng mga tauhan ng drug rehabilitation. Pero wala akong na­gawa. Parang loko-loko ako na nagsisigaw habang si­nasakay sa van at dinala    sa headquarters nila. Sina Papa at Mama ay nakita kong umiiyak habang pa­paalis ang van…

“Sa rehab unti-unting pinasuka sa akin ang mga toxic na nilaklak ko. Ang hirap. Parang mama­matay ako. Pinagpapawis ako para mabilis na lu­mabas ang nalaklak. May pagkakataon na gusto kong tumakas, pero hindi ko magawa dahil mara­ming bantay…

“Sa dakong huli, nagta­gumpay ang kabutihan sa kasamaan. Nailuwa ko ang mga naisubo ng demonyo. Noon ko napag-isip-isip na napakasama talaga ng droga. Talagang sisirain ang tao. Kaya naipangako ko, hinding-hindi na ako babalik sa pagdodroga…”

“E bakit sabi mo kanina, paghindi kita sinagot e ba­balik ka sa dati mong bisyo?”

“Kaya nga sagutin mo na ako kahit korning suma­got ng “oo”. Ano Tess?”

Ngumiti ako nang pag­ ka­tamis-tamis. (Itutuloy)

Show comments