Isang babaing caregiver na nagngangalang Shirley Elnar, 26, ang kinuha ni Dr. Victoria para mag-alaga sa asawang si Azucena. Pero nagkaroon siya ng relasyon sa nasabing caregiver.
Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng dating caregiver na si Alma S. Rosos na nag-alaga kay Azucena mula November 12, 2004 hanggang May 28, 2005.
Bisperas ng Pasko, December 24, 2004 dakong alas-onse ng gabi. Nagkakasayahan umano sila sa sala kaharap si Mrs. Azucena Victoria. Tatlo silang nagkakantahan, siya, si Shirley at si Dr. Victoria.
Nagulat umano si Alma nang biglang kunin ni Dr. Victoria ang microphone kay Shirley at pagkaraan ay nilamas ang suso nito. Nangyari mismo iyon sa harap mismo nang nakaratay na si Azucena. Napansin din umano ni Alma na ang isang kamay ni Dr. Victoria ay nasa puwit ni Shirley.
Nang mahalata raw ni Shirley na nakita ni Alma ang paghawak ni Doctor sa puwit niya ay saka sinabing "Si Dok talaga "
Kinabukasan, December 25, araw ng Pasko, dakong alas-tres ng madaling araw ay bumangon si Alma. Nakarinig siya nang may umuungol sa guestroom. Sumilip daw siya roon at nakita niyang hubut hubad si Doktor at si Shirley at nagsi-sex. Mainit na mainit ang kanilang pagtatalik na animoy tunay na mag-asawa. (Itutuloy)