‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-3 na Labas)

Editor’s note: Ang mababasa ay kasay-sayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA. Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kanyang kasaysayan dahil sa pagmamalasakit ng isang taong malapit sa kanyang pamilya. Hiniling na mabigyan ng atensiyon sa media ang nangyari sa kanya. Si Azucena ay kasalukuyang nasa coma makaraang atakehin ng aneurism noong May 18, 2003 at mula noon ang nangalaga na sa kanya ay ang caregiver na kinuha ng kanyang asawang doktor. Subalit maraming problemang nangyari na naging dahilan para magpetisyon ang walong kapatid ni Azucena na sila na ang mangalaga sa kanilang kapatid.

Ang mga sumusunod na kuwento ay batay sa sinumpaang salaysay ng mga petitioners at mga dating caregivers ni Azucena.
* * *
KAHIT may mga katulong na sa bahay, kumuha pa rin ng caregiver ang asawa ni Azucena na si Benjamin para mangalaga sa pasyente. Wala namang pagbabago sa kalagayan ni Azucena makaraang ilabas sa Asian Hospital noong May 2003. Hindi siya makapagsalita bagamat nakadilat ang kanyang mga mata.

Ang kinuhang caregiver ni Benjamin ay si Shirley Elnar, 26 years old. Naging caregiver si Shirley noong August 2004.

Ang pagdating ni Shirley sa bahay nina Azucena ay lumikha nang maraming pagbabago. Inalis nito ang mga dati nang katulong at pati na ang drivers. Ganoon kabilis ang mga pangyayari sa pagdating ni Shirley.

Ang ipinalit ni Shirley sa mga inalis na katulong at driver ay mga kamag-anak na wala namang experienced o kasanayan sa trabaho.

Siya na ang kumokontrol sa pamamahay na iyon ni Azucena. Siya na ang namamahala sa medical care ni Azucena. At tila sunud-sunuran na ang asawang doctor ni Azucena sa anumang gawin ng bagong caregiver.

Ang lahat palang iyon ay may dahilan. May relasyon pala ang caregiver na si Shirley kay Benjamin.

(Itutuloy)

Show comments