Jamias (Ika-76 labas)

(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

BUKOD sa unang station commander na naglagay ng police assistance desk sa mga lugar na nasasakop ng Station 3, nanguna rin si Jamias na isailalim ang kanyang mga tauhan sa drug test. Katwiran ni Jamias kung nagagawa niyang linisin sa droga ang kanyang nasasakupan, dapat din namang unahin niyang linisin ang kanyang sariling bakuran. Nakakahiya na malamang may mga tauhan siyang pulis na nagsa-shabu.

Eksakto ang plano ni Jamias sa pagdrug test sa kanyang mga tauhan sa "Tres" nang ilunsad ni Manila Mayor Lito Atienza ang Operation Bagong Buhay. Pagtalima rin iyon sa kautusan ng hepe noon ng Western Police District na si Chief Supt. Efren Fernandez.

Nang araw na iyon ay tinipon lahat ni Jamias ang kanyang mga tauhan sa "Tres". Mahigit 200 ang kanyang mga tauhan. Nang nasa loob na lahat ang kanyang mga tauhan ay saka niya sinabi ang drug test.

"Walang lalabas! Sama-sama tayong magpapa-drug test. Ipakikita natin na drug free ang "Tres", sabi niya. Namamanghang nakatingin ang kanyang mga tauhan. Nasorpresa sa balak ni Jamias. Saka nagsulputan ang medical technologists na magsasagawa ng test. Sinimulan ang drug test. Nanguna si Jamias.

Itutuloy)

Show comments