Hindi lang nagiging marahas, mabilis at pabata nang pabata ang nagiging kriminal ngayon kundi sumasabay din sa ika nga sa modernong takbo ng panahon.
Sa komunikasyon lang o ang cyberspace ay ginagamit na rin ng mga nagsasamantala. Ang dating petty crimes na tinatawag ay nagiging bolder sa maraming insidente, ang mga kawatan, aba’y gumagamit na sa kanilang mga panlilinlang ng mga modernong kagamitan.
Ang cybersex den lang sa Angeles City Pampanga nitong nakaraang linggo ay patunay.
Kasama ang ilang mga social workers, at mga kinatawan ng embahada ng America, Australia, at United Kingdom, tatlong bahay ang sinalakay at 12 kabataan ang na-rescue sa tinaguriang cybersex den. Kasama ang pagkumpiska sa mga laptop, computer sets at mismong mga resibo sa mga batang biktima.
Mga kabataang biktima pa ang nagse- set up ng komunikasyon upang ipakita ang kalaswaang ginagawa sa mga foreigner na suki.
Nababahala ang pulisya dahil sa pagkalat ng mga cybercrimes tulad nito at kinailangan pa ang isang non governmentl organization na mula pa sa Amerika, UK, at Australia ang magbigay ng impormasyon sa illegal na gawain kaya nga sinalakay ang kuta.
Ang nakakabahala pa rito ay mismong mga magulang pala ng mga bata ang nagkukunsinti sa mga menor de edad nilang anak para lang kumita ng pera.
Oo nga at napigilan ito ng Angeles City Police, pero hindi katakatakang kumakalat na ito ngayon sa iba pang lugar at medyo mahirap sawatahin.
Isang malaking hamon ito sa kakayahan ng ating kapulisan dahil sa modernong pamama-