2 karnaper arestado

BULACAN, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa sa tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na karnaper matapos na madakma ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na follow-up operation sa Bulacan kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Edwin Manalastas, 43, ng Brgy. Burol 2nd; at Moises Santos, 25, ng Brgy. Santol sa bayan ng Balagtas habang tugis naman ng pulisya ang isa pang suspek na si Rolando Reyes ng Brgy. Batia, Bocaue.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ng pulisya, tinangay ng mga suspek ang traysikel na pag-aari ni Mark Joaseph Catap sa bisinidad ng Barangay Burol 2nd. Samantala, kinarnap din ni Reyes ang motorsiklo ni Madrid na nakaparada sa palengke ng Barangay Caining sa bayan ng Bocaue.

Sa inilatag na operasyon ng pangkat ni P/Senior Inspector Ronie Pascua ng Bocaue PNP, nasakote ang dalawang suspek sa Barangay Mulawin sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Show comments