Mag-asawa utas sa pagbubukas ng klase

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawang hindi na nakaabot sa pasimula ng eskuwelahan matapos sumalpok ang kanilang kotse sa punungkahoy sa Barangay San Fabian sa bayan ng Echague, Isabela kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Arceli Labastida, 40, public school teacher; at ang mister nitong si Robert Labastida.

Nayupi ang kotseng Honda CRV ng mag-asawa kaya tumagal ng isang oras bago naalis sa pagkakaipit sa sasakyan.

Kasalukuyang sinusuri ng mga awtoritad ang kotse ng mag-asawa upang mabatid ang ugat kung may diprensya ang sasakyan kaya sumalpok sa punungkahoy.

Show comments